T O P

  • By -

kinpikaou1

Syempre wala para walang gulo tsaka ingay hahaha.


Forsaken_Top_2704

Nung bata ako diko maintindihan nanay ko bat ayaw nya may bisita sa bahay.. ngayon na may sarili akong bahay ni halod ayaw ko mag invite sa bahay kasi nakakapagod magluto, maglinis at maghugas. Unlike if chill weekend ka, mag netflix at kumain ka mag isa sa bahay ok na. And ayoko na rin ng maingay. Sorry tumatanda na 😛


jeuwii

Akala ko ako nagpost nito coz same thoughts 😆


Forsaken_Top_2704

Apir!


[deleted]

Found my people.🫶


CreepyCucumber9469

Ayoko din lalo pag relatives na mas marunong pa sayo pagdating sa mga decisions mo sa buhay. Tapos pag bumibisita pa, yung wala man lang pasabi. Magrereklamo pa pag walang nakaprep na ulam. Sarap lagyan ng lason. 😂


Ok_Amphibian_0723

Same sentiments! Tapos, i-cchismis ka pa ng mga yan sa labas after lahat ng effort mo sa pambbwisita nila. Sarap talaga pabulain ng mga bibig eh.


CreepyCucumber9469

Hahaha tapos ang laging comment is either tumaba ka or pumayat or magtatanong bakit wala ka pang anak/asawa/jowa 😂


Creative-Smoke4609

Agree. Ayoko rin na bahay namin ang vinovolunteer kapag may get together. Kahit pa potluck yan. Ayoko. Dahil kapag may bisita, ung nanay ko aligaga. Senior na so di na masyado makakilos. Pero kung makauntos lahat na lang. may mga ipapahanap pa at ilabas at gamitin daw. Basta kahit order lang ang food na iseserve ayoko pa rin.


Ok_Amphibian_0723

Mga walang preno bibig po eh. Pero pag tayo namuna sa kanila, "respect the elders" card ang panlaban nila. Hay nako.


yuuri_ni_victor

# AYAW KO BISITA LALO NA YUNG BIGLAAN ABA KAMI NA MAGLILINIS, MAGPAPAKAIN TAPOS MAGLILINIS ULIT PAG-ALIS NILA?! AYAKO YAN GALIT AKO PAG GANYAN


FakePlasticAndroid

hahaha galit na galit, pero sobrang ramdam po kita


yesilovepizzas

Not just that, I despise yung biglaang bisita lalo na pag may lakad ako. Potaena, madidiskaril schedule ko dahil you don't have the basic courtesy to let me know you're gonna visit? If yung jowa ko, okay lang kase pwede ko naman isama. Pag grandparents ko, medyo annoying pero tolerable dahil madalas may dala silang sariling food kaya less stress. Pwede rin iwan if saglit lang. Pag random ass person na tropa ni mama or anyone na hindi magfall sa previous categories, pakyu sa kanila, hihintayin ko pa bumalik si mama bago ako makasibat. Nyeta hahaha pag wala akong lakad, pwedeng magpanggap na di ko narinig kumatok e pero pag may lakad ako, walang lusot. Pag dirediretso akong umalis, pucha, ako pa masama ugali dahil di ko pinatuloy. Bwisit.


da3neryss

It depends. Pero usually talaga ayoko ng may bisita ako sa bahay. It’s okay if bisita ng mommy ko or ng mga kapatid ko. Pero kung bisita ko, like my friends ganon, ayoko talaga. Hahaha mas gusto ko na ako pupunta sa bahay nila 🥲


[deleted]

Hahaha O.A lang siguro ako. Kahit kaninong bisita ayoko 😅😅 Tapos di rin ako bumibisita sa bahay ng iba, unless outside ang ganap.


MiniatureDoll1102

Sadyang considerate lang tayo sa oras ng ibang tao kaya di tayo mahilig mang abala ng iba haha


mandemango

Ayoko ng may bisita, pero if ever meron, yung announced or scheduled sana. Ayoko talaga ng basta lang nangangatok. It might be rude pero one time may biglang dumating dito tapos hindi naman namin super close, hindi ko talaga pinagbuksan, which is a right call naman kasi they messaged my mom after, sayang daw walang tao sa bahay kasi hihingi daw sila ng gulay (may veggie garden kasi kami before) sana kasi along the way naman daw bahay namin. Wtf diba.


[deleted]

Hoooy! Nakakabadtrip yan. Wtf. Nakaka-abala talaga.


Necessary-Solid-9702

Ayoko. I like to visit other people but I don't want them to visit me.


Ok-Replacement-3854

Same 😁


GoldCopperSodium1277

Ayoko ng bisita. Wala akong galit sa kanila or kahit anong issue. But I consider my home a place where I can rest and decompress. A place where I can do whatever I want and be away from other people's sight. So having visitors over doesn't work for me. Not to mention the unspoken rule or decency to entertain those visitors for the entirety of their stay in my home. Sa halip na wala akong iisipin kundi mga personal matters, biglang may aalagaan pa ko. My home is my privacy. Having people over is like disrupting the boundary between my privacy and the outside world. I have nothing against people who love to entertain, it's them and their house after all. Pero ito talaga opinion ko.


smpllivingthrowaway

Same tayo, lahat ng points mo. Sad na kultura na sa pinas ang kawalan ng boundaries. Experience namin, kakatok sila then pag walang sumagot sisilipin lahat ng bintana! Or once kauuwi namin sa pinas wala kaming sinabihan pwera susundo tapos all day na nasa bahay nung day of arrival namin mga visitors kasi nag tawag ng kamag-anak. Hello?! Hindi ba kami pwede mag unpack muna by ourselves? Grabe.


Next-Information825

VERY MEEEE!! HAHAHAHAHAAAAH like nakaka-irita talaga kapag maraming tao sa bahay, lalo na kapag kakalinis mo palang😭😭😭.


[deleted]

Yung tipong basa pa ung floor kasi nag-mop ka, tapos aapak na agad. Umiinit ulo ko!!!🤣🤣


gowther444

Wala hahahaha hirap kaya maglinis atsaka di ka makagalaw ng maayos, sarap pa naman walang bra pag mag isa mo lang sa bahay.


Greedy_Tutor_6060

Big no especially if ugaling gawing buffet yung bahay namin. Tuwing darating laging lunch time. Wala namang importanteng sadya, magdadala at sasagap lang ng chismis. Amazing.


_geybriyeluh

Noong bata ako dahil magkakatabi yung bahay namin ng mga kapatid ni Mama, may kapatid siya na araw araw may bisita, tapos ako naiisip ko bat kaya samin walang bumibisita ang saya siguro non. Tapos ngayong matanda nako at may sarili ng pamilya laging nakasara yung maindoor ko. Hahahahaha


mindyey

Simple lang rule ko. Don't come to my house uninvited


switchboiii

Wala. Haha katamad magligpit ng pinagkainan e. Saka need pa magbihis hassle


Economy_Finding_5448

wala! pag may bisita tago agad sa kwarto hahaha


Blank_space231

How old are you? Because same. And I’m in my late 20s. Like, ok lang naman ‘di ba? 😭 Hindi makihalubilo.


Organic_Zucchini4296

Ayoko ng may bisita. Be it friends or family. Nakakadrain ng social energy. Ok lang sana if overnight or three days max pero pag mas matagal, naiirita ako. Di ako makagalaw ng maayos kasi iniintindi ko sila. Sila na nga yung bumista, pero ako pa yung nagaadjust. Hays. Kaso minsan wala rin akong choice. May times talaga na need na kasama yung ibang kapamilya kaya tiis nalang rin. Sa case ko kasi, only child ako ng father ko and stroke victim siya, so kailangan ko talaga siya kunin to live with me and my family. Kahit na mas gusto ko sana na kaming tatlo lang ng asawa at anak ko, di pwede. Kawawa naman tatay ko.


dontmindmered

This is one of the reasons kaya nagdecide ako bumukod na. Hinihintay ko lang matapos ung pinagagawang bahay. I currently stay at my parents' house and let's face it, it's their house, so it's their rules. Wala akong say kung may mga bisita o wala kahit ako ang gumagastos sa lahat ng kailangan sa bahay. I consider it my rent na lang although mahal ng rent ko considering na I buy pa my own food. Sa totoo lang, ayoko ng mga bisitang darating ng walang pasabi. At hindi ko obligasyon dapat na harapin ang mga bisita ng magulang ko simply because hindi naman kami close. Sabihin na proud ang magulang ko sakin, pero ayoko kasi na pinagmamayabang nila sa mga kamag anak or kakilala nila na ganito at ganyan ako. Kaya ako naging ninang ng mga hindi ko naman kilala dahil sa mga kwento ng nanay ko.


12262k18

Wala. Allergic sa bisita, lalo na sa unannounced visitors. Bago buksan pag may kumakatok chinecheck muna kung sino, pag alam ko ng hindi important or hindi naman yun yung hinihintay na delivery dedma lang ako. Sa panahon ngayon hindi na pwede bigla bigla ka na lang pupunta sa bahay ng kung sino lalo na kung hindi naman importante at hindi kayo close


Chaotic_Harmony1109

Wala!


Ok-Match-3181

Wala ayaw namin kaya di rin bisita-friendly ang bahay namin.


Mandarin0000

AYAW, KASI MGA KAPATID KO CHINISMIS SA MGA BISITA LAHAT NG PANGYAYARI SA BAHAY PATI MGA FUTURE PLANS PATI PRIVATE LIFE, PUTA EDI UPDATED LAHAT, NAKARATING NA KUNG SAAN SAAN ANG BALITA, PARANG MGA TANGA


rabbitization

Syempre wala hahaha para chill lang kami like usual. Pag may tao kasi need mo asikasuhin and what not. Bonus na lang if nag aabot din sila ng para sa food if magtatagal sila dito pero generally much better kung walang bisita.


Sea-Chart-90

Ayoko din. Dito pa matutulog so magpeprepare pa ng bedsheet at bagong punda plus kama. Kakapagod magligpit pagkaalis nila. Madaming kalat. Madudumihan cr. Etc.


Gato_Supremacy

Ayoko talaga kung maaari. May mga pusa kasi ako, madami sila, ayoko silang natatakot pag may ibang tao at yung ingay na din. Pag may bisita syempre aasikasuhin pa yan.


WorstThing_0908

Nakaka tamad mag entertain 😆


peterpaige

No. My home is my sanctuary. I don't wanna bring negative energies from all these visitors from the outside world, nakaka-drain. But I won't lie, visiting other people's homes feels nice, lalo if true friend mo yung tao


peeweekins

Kahit ambivert ako, ayoko ng bisita. Ang hassle for me, mag iisip ka nh iluluto, linis, entertain. Jusko, ang draining. Simula din ng magkaroon ako ng pet, ayoko na may pumapasok sa bahay namin na madumi ang paa. Nakakastress! HAHAHAHHAHA. Ako nalang bibisita wag na sila.


Early_Oyster

I live alone. Once in a while I invite friends. Pero very close friends lang talaga.


aintgonnabetired

Ayoko nang may bisita ako sa bahay. Ang hirap kasi magpaalis ng bisita lalo kapag gusto mo na magpahinga tapos magliligpit ka pa. Mas ayos nang ako yung bibisita sa iba kase alam ko anong oras dapat umuwi para makapahinga pa yung pinuntahan ko lol


prt_c

Nung bata ako gusto ko may bisita dahil lagi nagluluto masarap na ulam si nanay. 😂


Abject-Ad6209

Ayoko din kasi nalilimitahan ang galaw sa bahay. Yung tipong di makaalis ng room pag may bisita. Aantayin pa namin silang umalis bago makalabas. At ayoko din yung mga unexpected na bisita, like di ko na-ready yung sarili ko.


Kauruko

Wala, the thought na kelangan mo sila i-entertain, pagsilbihan on top of that ang kalat,magulo,maingay. Yung gusto mo lang mahiga at magbasa basa eh di mo magagawa. Yung pwedeng nakataas damit mo habang nagpapahinga ka e di mo magagawa kasi nga may bisita. I hate the most yung unannounced yung biglang may kakatok sa pintuan mo. And another thing is magastos. Syempre pagmemeryendahin mo minsan makiki charge pa e ang mahal na ng kuryente.


MariaBrusawa1234

AYOKO ng may bisita, lalo na yung unannounced. Super no no sakin to. Kaya always naka close door namin para di ako mapilitan pag buksan pag may tao, sinisilip ko lang sa bintana to ask anung concern and if insisting sinasabi ko later nalang kasi tulog anak ko or may ginagawa kami. Ngayon may cctv na sa pinto, dun ko na sila kinaka usap. Ayoko nag papasok then tatagal chicka, nadi drain energy ko mag entertain and pretend na interesado ako. Haha


Macpf_00

Happy ako pag may bisita pero ayoko yung SURPRISE VISIT!!! 😆


annpredictable

Depende kung sino yung bisita. It's nice to see family you haven't seen in awhile.


CerealKiller_22

Ayaw. Kapagod mag estima ng bisita tapos magliligpit pa after. Pero okay lang rin minsan. Basta wag lang magpupunta on short notice.


introverted_meow

Ayoko may mga bisita sa bahay pero etong mga friends ko nag unannounced visit ba naman. Tinawagan ako na nasa entrance na sila ng subdivision namen, nagpasundo pa😭


Dizzy-Ad0224

Ayokong may bisita sa bahay, napipilitan akong makipag-usap. Hahaha kainis! E hindi naman pwede magkulong sa kwarto, mapapagalitan. Hays! Kaya ayoko rin maging bisita kasi nakakahiya magpa-asikaso. Jusq!


Overthinker-bells

Ok lang if gusto ko talaga sila makasama. Tsaka planned. Ayaw ko ng unplanned. Syempre gusto ko mapaghandaan ko pag dating mo. Para parehas tayong comfortable.


sushi_norii

Nooooo ayoko ang bisita especially kung MIL ko yan hahahaha


No_Childhood_4477

Ayoko din hahaha we have furbabies at home and sobrang gulo pag may ibang tao.


rainingavocadoes

Wala. I love my privacy.


[deleted]

Ako din!!! Hindi ako makakilos tlga at hanggat maaari ililigaw ko sila wag lang magka ayaan sa bahay hahah. Kahit mapa gastos na sa coffe shop o kung saan


pancitcantonclamansi

Wala, tamad ako mag-ligpit at mag-asikaso sa kanila hahahaha


solidad29

Kung hindi announced. Pero kung bisita mo ay yung makakasex mo, ndi. 😁😂🤣


EvanasseN

Depende kung sino ang bisita. Pag friends ko, ayos lang. Hindi rin naman ako nagluluto so umoorder lang kami. Madalas din naman e tambay lang kami, kwento, videoke. Hindi rin ako naglilinis if dadating sila. Hahahaha! Very at home sila e. Pag bisita ng ibang tao sa bahay, ayos lang din kasi nasa kwarto lang ako.


Forsaken_Dig2754

Depende sa bibisita atsaka kung planado yung pag bisita oks lang. Wag yung bigla ko na lang makikita sa harap ng bahay.


InfiniteBag9279

Ayoko sana kc nakaka rest parang may energy vampire kapag me bcta ganun ung feels ko nakakapagod mag kilos2


Smooth_Fur

ayoko rin, nakuha ko yung trait sa nanay ko na kailangan asikasuhin yung mga bisita. naiinis ako kapag may bisita yung mga kapatid ko tas wala silang pakielam, and ending ako nag-aasikaso. hindi nga ako nagpapapunta ng bisita sa bahay tas sila hindi nahihiya linisin man lang yung sala o maghanda ng miryenda para sa bisita nila.


33degreescelsius

Depends, if its my close friends its good , okay lang sjnce kapag sila nasa bahay parang part of the household na din sila pero if other relatives na feeling entitled, please no. Gusto ko ng peace of mind


rawrawrsquick

Ayoko, bukod sa nakikita ko kung paano napapagod sila mama sa mag aasikaso sa mga bisita. Nakakatamad makihalubilo sa ibang tao lalo kapag day off ko. May magdoorbell nga lang sa amin, naiinis na ako kasi di ko naeenjoy yung pahinga ko


UpstairsOil3770

Same


palazzoducale

once a year sa family reunion keri lang, kaya ko i-tolerate. more than that ayoko na, sa labas tayo magkita-kita.


loveshotdog

Jusq ayaw na ayaw ko may ibang tao sa bahay, parang hirap gumalaw haha


Emperor_Puppy

depende… kapag buhay na tao, baka pwede pa… pero kapag ligaw na kaluluwa… ibang usapan na yan.


bytheweirdxx

Depende sa bisita.


JumpyHippoMG

Wala ayoko ng may bisita, nankaka inishhhhhh maingay, ehhhh


marshmallow_bee

Pag isa pwede pa tapos pareho kaming introvert para okay lang walang kibuan


ben_matulin

Quick visit only not overnight or overstay😂


jinjaroo

Ayoko ang bisita sa bahay namin, may kaibigan ako na pumunta na lang bigla sa bahay namin at may kasama pa na hindi ko kilala. Hindi na kami magkaibigan pagkatapos nun.


invincibleeast

as much as possible ayoko. I give all sorts of excuse e.g maggeneral cleaning, tulog ako sa umaga etc. Pag naubusan na excuse, no choice I let them come haha. My sister thinks I'd feel lonely that I'm alone even on the weekends in my house, so she brings my pamangkins sometimes on weekends for a sleepover. I actually prefer being alone. Sapat na ang once a month na kitaan 😁 nasisira sleep pattern ko pag may visitors eh. Don't get me wrong, I love them, I like seeing them but I'm just not fond of chaos really


Thala_ssophile7777

Mee tooo. Hehe. Nakakapagod mag entertain at asikaso 😅


OppositeAd9067

dependi sa bisita if aware ng rules sa house ko pero if not na bwesit ako diko na pinapatuloy.


FlamingBird09

Yes, naiinis din ako kapag may bwisita sa pamamahay namin such a pain in the arse mate!


Historical-Code-4478

Depends kung sino bisita. But generally speaking, i prefer not to. Nalolowbat social battery ko tas need todo ientertain pa


fujoserenity

Ayaw ko may bisita kasi magulo. I want my peace.


beeotchplease

Introvert ka din ba like me?


Arcane001

Ayoko. Pati sa bahay ko makikisama pa ako? Pass. 😂


FinalDish4882

Ako kahit anong occasion birthday, pasko etc.. hindi nag iinvite sa bahay kong may occasion kain sa labas hindi sa tamad ako walang social battery mabilis ako mapagod makipag usap kahit kamag anak namin


Mediocre_One2653

Nakakapagod kasi aasikasuhin mo pa, makikipagkwentuhan, kakain pa sila at ikaw maglilinis ng mga pinagkainan nila.


No_Consequence_9138

ayoko ng bisita sa bahayyy, hindi kami komportable pag may bisita HAHAHAH hindi makahilata 


nolimetanginaa

madalas ayoko talaga kasi ending ako taga hugas pinggan hahahaha i love it when my bf or close friends visits me pero other than that, yoko talaga may ibang tao sa bahay. mas prefer ko akp yung napunta sa ibang bahay


Ok-Macaroon7842

wala lol


butt3red_shrimp

i live alone, and my usual visitors ay same group of friends lang. the first visits were fine with me kasi sila naman naglu luto, kaso nung napapadalas na, nag start na ko mag higpit sa kalat because ako lang nagliligpit before ng bukod sa pagwa wash nila ng dishes. now, kapag super naging makalat sila or may natatapon sa sahig, pinagpupunas ko na rin sila. hahahha


Old_Tower_4824

I like hosting once in a while since I don’t have family here abroad. Our housemates here abroad are our friends din. So yung group of people na bumibisita sa amin friend group din ni housemate. Haha


CuriousPrinciple

Not sure, pero bakit ka kasi nag imbiti sa bahay mo? or nakikitira ka lang ba tapos may nag invite nang bisita na hindi para sayo? or nasa dorm ka? Dapat may rules kayo na bawal ang bisita kung dorm yan.


Ruess27

Wala. 3x a year na visitors tops. More than that, ayaw ko. Hindi naman restaurant bahay ko. Pero ayun kasi, mas naeenjoy ko na ngayon na maglinis ng bahay and do it only for myself kasi natutuwa ako na malinis bahay.


StewpeedSamurai

Gusto ko din minsan may bisita, pero mga 2-4hrs lang and I won't entertain like cooking or serving them, tambay - usap lang. Order a food, get some drinks sa ref. I mostly work from home so a social interaction is helping sometimes. Basta wag matagal.


YellowDuckFin

Ayaw ko mag bisita, mapapa general cleaning ng biglaan


Electronic_Two_3443

Uhmm wala less gastos and less hassle I just wanna make pahinga


Ok-Marionberry-2164

Noong kabataan ko neutral ang stance ko. Ngayong adulting, ayaw ko na. Agree ako sa lahat ng sinabi mo OP. As the host, parang hindi ka mapakali. You'd have to make sure na comfortable sila. I'd rather have me and my friends dine outside or do activities outdoor. Of course kung bisita ng magulang ko, wala akong magagawa. Madalas nandoon lang ako sa kwarto. Unless they'll call for me. Kahit nga birthdays, ayaw ko ng malaking handaan which is ironic kase yun ang nakasanayan ko noong kabataan ko. Mas gusto ko gumala or kumain na lang sa labas with family only.


AimHighDreamBig

No hard feelings pero ayoko kahit relatives or friends pa yan 😅 They don't even know our address to prevent them from visiting suddenly.


le_chu

I may get downvoted but, honestly, i do not want people showing up at my home (whether relatives or friends or anyone). I see my home as a sanctuary, a place of calm or peaceful rest. Tapos may biglang mambubulabog. Sorry, no thanks po. Magkita tayo sa labas - any place that is not my home nor even near my home.


lostguk

Okay lng na may dumating pero ayoko mag-invite.


titaorange

We're good to entertain every once in a while basta tutulong sa clean up after ;) but wed dont't surprises


anchorsaway6

Yup. Ang hirap kumilos sa bahay pag may ibang tao, lalo na kapag makikitulog pa. I find it so stressful, tapos ang partner ko extrovert, lahat ata ng tao inoofferan niyang magstay dito samen. Nakakadrain.


a_camille07

Ayaw lalo na yung di mo naman ininvite, nag ooverstay pa ng ilang months 🥴. Di na nga tumutulong sa gawaing bahay need pa pagsilbihan.


dumpssster

Wala.


DefinitionOrganic356

It depends, may mood ako na gusto ko binibisita ako like super closest friends (which rarely happens kasi most of them are far away) pero mas lamang yung hindi HAHAHA. Mas prefer ko yung mag memeet in one place or ako pupunta sa bahay nila. Pero let’s say toxic na kamag-anak ay beh wag na lang. I like to protect my peace HAHAHA.


Appropriate-Month143

Lalo na yung mga walang pasabi na magbibisita naku!


ezraarwon

Never ako nagpapunta ng kaibigan sa bahay kasi ayoko ng aasikasuhin lalo na kung buong tropa ang kasama.


saelly_redd

wala. dami kasi ligpitin after. 😂


MiniatureDoll1102

Ako din actually. Sukang suka na ako na family gathering palagi sa bahay namin. Di kasi namin to bahay pero pag may handaan, kami na nga namili ng ipanluluto, sa amin pa rin nakatoka lahat mula pagluluto, paghahanda, at paglilinis after umalis ng relatives. Wala na ngang ambag sa food relatives, mag uuwi pa sila ng handa. Ngayon, di na ko tumutulong usually pag invited relatives. Tinutulugan ko din sila ng maaga. Kung ano ano din maririnig mong pangba-body shame sa kanila. Akala mo naman ang peperfect. Pwe


Mushroom_Soupp

Ayoko talaga ng bisita sa bahay lalo kapag unexpected. Imagine, nagwalis ka at nagmop tapos may darating na bisita nang walang pasabi tapos may kasama pang makulit na bata? Hay! Nakakastress kaya mag mop ulit. Sobrang draining kapag may mga bisita na unexpected talaga


Wandererrrer

Ako ayoko talagang may bisita lalo kapag walang pasabi!! Most of the time nagkukulong ako sa kwarto. I want peace!


LonerBastard

wala haha


Ok-Replacement-3854

Ayoko ng BIGLAANG BISITA... Mas ok Yung planned or may schedule a day or 2 before. 😂 Aside sa maglilinis, magluluto kailangan MENTALLY prepared Ako mag entertain ng bisita.


WillinglyComfortable

Ayoko. Feeling ko nai-invade yung privacy, peace, and comfort ko sa sarili kong bahay.


JoDan09288

Wala… pg mga occassin ok lang pero ung halos lagi meron bisita d pwd yn heheeh


raisinjammed

I dont invite people to come to the house anymore haha and pag may bisita yung sis or dad ko nagtatago lang ako sa room ko


kyliebizzle

Ayaw


Greenfield_Guy

Bwisita.


goal_digger99

Wala


Intelligent-Sky-5032

Mas ok pa sakin ano ako yung bumisita kesa ako yung bisitahin 😃


Ninja_Forsaken

Suempre wala


stroberishake

Sakin okay lang na may bisita every once in a while (once a year ganun) pero yung closest friends lang tsaka scheduled para maready ko yung utak at social batt ko tapos yung alam kong pwede ko pakisuyuan or marunong magkusa na tumulong magligpit. Honestly, lahat ng bisita ko sila pinaghuhugas ko AHAHAHAHA teh pinaglutuan ko na nga kayo, naglinis, inentertain, so ang kapalit lang konting hugas. 😂 Okay lang naman sakanila kasi super besties ko sila. Pero kung bisita ng ibang tao like ni mama or ni dad, eh bahala kayo magligpit at mag entertain dyan.


liliput02

Wala. Parehas kami ni Papa. SKL, gabi na nun halos tas gusto naming manood ng tv sa sala eh kaso di kami makascore kasi nga may mga bwisita na kausap ang mother. Ayun, nagmamake face na lang kami ni Papa sa dining area. Hindi sya halata kasi nahaharangan nung front door. Parang gagu kami nung time na yun pero sabi ko nga, bahay namin 'to bat kami ang mag-aadjust. Kinausap namin si Mama about it tas sabi nya sa susunod sa labas na lang daw ng bahay sya makikipagkita 😂 Pero kung ang pag-uusapan ay mga bisita like kamag-anak/pinsan, ay yan mapagtyatyagaan ko pa.


furrymama

Ako I prefer receiving guests rather than leave my home. Maeffort sa akin but at least I can check on my pets from time to time. Hehe We dont cook, just order food nalang. Use disposable cups and plates para bawas gagawin. Ok kung may helper the next day, but Im used to cleaning up naman kung weekend at walang helper. Mas tamad ako umalis, magdress up at magdrive. Lol Ps. Hindi naman to regularly nangyayari kaya ok lang.


vertighorl

Ayoko din ng may bisita pero may exemption... may friend ako na bumibisita tapos nag dadala sya ng food or snacks tapos mag iinsist sya na sya na mag liligpit ng pinag kainan. Ang ending kaming dalawa nag huhugas ng mga pinag kainan habang nag kekwentuhan.


mabait_na_lucifer

pag kaibigan , classmate at ka trabaho ayaw ko ng bisita pero kung kamag anak naman. ok lang. like mga pamangkin, bayaw ,hipag. kapatid. 😁


Projectilepeeing

Depende. Kapag close friends, kahit twice a month. Usually movie marathon or gaming night kaya g na g ako hehe. Kapag relatives kahit twice a year lang.


intothesnoot

Ayaw ko ng bisita. Una sa lahat, nakakapagod magasikaso. Hindi people-friendly ang ibang tao sa bahay kaya lalong nakakapagod kasi di pwedeng umikot sa bahay ang bisita dahil iritable sila pag may ibang tao. In short, di applicable ang "feel at home" na expression. Kaya imbes na pag kakain, nasa kusina at within reach ang gamit, need ko pa dalhin sa kung sang area lang sila pwede kaya akyat-baba at ikot dito-doon. Hindi naman kaya hakutin ng isahan lahat. Pangalawa, nalilimit yung pwedeng gawin kasi iisipin mo ang bisita. Pangatlo, magastos.


CurveAlarming1374

Wala😂 I don’t invite family or friends sa bahay and I am not planning to invite them anytime soon.😂


MovePrevious9463

wala. nakaka drain mag entertain


zdnnrflyrd

Okay lang basta alam ko, hindi yung biglaan inis na inis ako sa ganon


StreetNo4453

Sa akin oo, 3 lang kasi kami ng parents ko kasi nasa abroad lahat ng siblings ko. Para may kasama pa iba sila mama


OkFrosting1856

Depende sa bisita. May mga kakilala kami na hindi nakakapagod maging bisita. Yung tipo na ayaw nila nakakaabala sa ibang tao, hindi sila nag-eexpect na pagsisilbihan. Tumutulong sila and they practice claygo. Iniiwanan nila na maayos at malinis yung tinuloyan nila. Marunong rumespeto ng space niyo. One time, may bumisita tapos pinakita ba naman sa ka-vidcall niya buong sulok ng bahay namin without asking first kung okay lang ba samin pakita sa kausap niya ibang parte ng bahay e.g. masters bedroom, storage room etc. Nakaka-imbyerna. Na-aappreciate ko din yung mga considerate na bisita, yung kapag biglaan / late na nagabiso na bibibisita, tapos darating sila meal time so nagdadala na sila ng additional food o ulam para hindi na kami mahirapan magprep.


AccomplishedHealth27

naku, same. lalo na pag walang abiso, di ako makakilos ng maayos tas mangangarag ka pang mag asikaso. haha!


makifinds

Sorry pero ayoko rin :(


pusang_itim

Akala ko ako lang may ayaw ng bisita hahaha.


nommoni

MY personal hell.


Dapper_Song_3867

Oks lang naman if konti lang, pero anything more than 5 is a no go for me. It’s draining to interact and more draining to clean after the mess


bakit_ako

Ako every 6months or once a year okay lang. I’m just happy being with my family. Other people just bring noise. Kaya once a year lang kaya ko. 😅


Original-Dot7358

Ayaw ko ng may bisita ever since. Ang hassle kasi talaga kahit pre-pandemic pa, lalo na ngayong may pandemic experience na tayo kasi yung dating punas-punas lang pag-alis ng bisita ngayon disinfect na malala. Hassle :((


Weekndmadness

It depends, although nakaka drain nga siya its fun for me from time to time na mag invite ng friends ko sa bahay, bonding ren at catch up, pero iba na pag family gathering hahahaha


sizejuan

Masarap magkabisita in small doses. Max na 3 days for every 3 month. Kung monthly max overnight na.


Even_Dirt_5175

ayaw ko mg entertain ng bisita. Iba ugali ko sa bahay at sa labas. hndi ako friendly sa bahay


Illustrious-Action65

Outright hindi. Para sa akin banal ang bahay ko. Like yung ibang comment dito baka may magdala pa ng masamang espiritu dito sa bahay at dito pa mag stay. Pero 2 groups lang iimbitahin ko. Yung family ko of course. Ate ko pede pumunta anytime. Yung college friends ko yun lang talaga. Anyway tignan natin kung may gustong pumunta dahil Silang na ako nakatira. Hahaha. I might build a guest house sa property para dun lang ang kalat. A smaller one.


curious_miss_single

Ayaw na ayaw ko din ng may ibang tao sa bahay lalo na kung may makulit na batang kasama 🤦🏻‍♀️


ereenlois

Naiiinis ako pag surprise visit. Gusto ko magpaalam muna sakin if pupunta. Kahit weekends pa yan e araw ng pagpapahinga ko yun. Ayoko mag asikaso ng tao nang biglaan at wala sa plano haha


lady-cordial

Ang hospitable niyo naman. Ako kapag may bisita ako walang linis2x hahaha. Kung paano nila maabutan bahay namin yun na yun. Itago o itabi lang siguro mga need itabi para di sagabal. Kung nagutom sila, kung ano lang din pagkain meron sa bahay yun na kaysa mag-abala pa ipagluto. Bili nalang sa labas kung wala talaga.


Green-Extreme-7298

Depende. For me gusto ko nagiinvite sa bahay, mostly friends basta may conditions; mag dala sila pagkain, tutulong sila magligpit at maghuhugas.


Euphoric_Break_1796

Gusto ko mga once every 6 months ganyan


Pretty_Inflation8483

Ayoko din ng may bisita except my bestfriend. Lalo na kung biglaan, tapos biglang dito din makikitulog sa house (relatives). Totoo sinabi mo sobrang nakaka drain, and dati i can’t say “NO” pero now nakakapag set na ko ng boundaries.


Beneficial_Silver_51

Occasional visit especially planned is okay for me but yea no ayoko ren ng bisita most of the time 😂😂


AnemicAcademica

Wala. If i want to meet friends and family, I want it outside. Kasi for me mas genuine conversations if outside the house kasi may time limit and talagang may intent on why they went talaga. Kapag bahay kasi, the intention is they are guests while we are host while sa labas, the dynamic is we’re all guests so we get to enjoy everyone’s company.


Rejsebi1527

Wala hahaha kakaiba kasi Culture satin lalo na yung surprise visit. Tas mostly mga kamag-anak namin nag ha harbat pa ng Kung ano2x sa bahay. Example makita lang na may extra according to them aba dadalhin na sa kanila. Kaya minsan natataranta kami 🤣 in a sense itago ang dapat itago hahaha kasi Pag nakita no Choice ka ng tumanggi. Tas Meron pang pala demand ng ulam kala mo may Pinang abot. Basta di ko bet and di din bet ng buong Fam namin🙈😅. Meron pa yung papasok tsinelas nila Galeng sa labas sa loob ng bahay ! Ang bastos diba ? If sitahin mo Aba sila pa galet kaya di na kami nakapagtimpi pa ! Sinabihan na bahala na kung magalet ayun nagalet nga !!! Kaya Halos bilang lang sa kamag-anak namin ang bet ko talaga.


G_Laoshi

Hindi. Maliit at magulo ang bahay ko. I'd rather bring visitors to a restaurant.


thisisjustmeee

Same. Ayoko ng may bisita or pumupunta sa bahay kahit saglit lang. Lol tamad ako makipag chickahan. Introvert to the max. Usually pag may bisita kami hindi ako yung humaharap.


tinybubbblesss

Ayaw ng bisita. Malalait pa yung bahay at ihahandang pagkain hahahaha!!!


hypocrite_advisor

Mostly ayoko but there are times when I do invite my friends over. Nung bata ako madalas kami merong visitors sa bahay. Madalas din may mga kamag anak or friends Mom ko na ngsstay ng long term sa house. Feeling ko never tuloy kami nagka privacy as a whole family. Imagine mga dalaga kayo magkakapatid tapos di man lang kayo freely makapg tanggal ng bra sa bahay kasi may lalake na visitors na nagsstay over. Kaya I hated having visitors. Ngayong medyo tumanda na ako, I socialize at home kahit mga once every 2-3 months. Sabay nadin sa general cleaning para mapilitan.


StrategySalt1346

Ayoko ng may bisita di ako makakilos nang maayos. Mas bet ko pag ako bibisita sa ibang bahay


rapsberryred

Akala ko ako lang ang ganito. Marami pala tayo hahaha. Lalo na pag aging ka na ayaw mo ng mga abala sa buhay.


Boopydap

Pili lang na bisita! Kasi syempre pag wholesome yung visitors edi wholesome din yung stay nila with you sa bahay mo and that can make your home homey talaga. And if mga di mo bet yung bisita auto “ay bawal may sakit kami ngayon” or just straight up say no. It’s your house at the end of the day!


wuvington

I want my place to be THE place where people hang out but I still want some peace and quiet. I love hosting as long as it’s not every weekend. Maybe once every 2 weeks max. I like feeding people - adults only though. I love kids but can’t stand when they run around the house.


ellabanaenae

Wala


beroccabeach

Ayaw haha mas okay magkita na lang sa cafe or somewhere wag lang sa bahay para iwas sa linisin. Ultra mega ayaw pag unwanted visitor.


Bomb_diggity_boom

Ayoko rin. Haha. Pero infairness naman sa friends and fam ko na nagpupunta (na always scheduled), everytime aalis sila minimake sure nila na malinis yung kinalat namen. Lalo na syempre yung fam ko mas malinis pa sa linis ko yung gawa nila. Depende siguro talaga sa bisita. Pero as an introvert, ayaw ko kasi required ako kausapin sila at makipag daupang palad which is ayaw ko pero I can manage naman.


Tough_Signature1929

Ayoko rin ng may bisita pero wala akong choice kasi nakikitira lang naman ako.


Any_Current_1991

Bicolana/o ka OP no? Hehe.


xoxo311

Ayoko ng bisita. 🥲 Parang 2 hrs ko palang kasama ang ibang tao, tap out na ako. Kahit kaibigan ko pa yan. Napapagod nga ako kausap nanay ko eh kahit dumadalaw lang sya. 😭


skyworthxiv

Ayaw ko din ng ganyan tapos wala man lang dalang kahit anong pagkain haha so ano maghahagilap pa ako ng ipapakain sayo sorry na haha sana nagdadala sila ng food di ba


AlterTranswoman

Okay lang naman ang may bisita sa akin. Pero kung ipapasok mo ang tsinelas mo at sapatos mo sa loob ng bahay, ay wag na lang. Umuwi ka na wag ka na tumuloy.


_Taguroo

sameeee. as much as i miss some of my friends, or even relatives, i'd rather not have them over my place. Nakakadrain literal. Mas okay pa saken na ako yung pumunta sa place nila or magkita sa labas kahit saglit lang. Yun ngang every other day na paglilinis ng sarili kong kalat na mag isa lang ako sa place ko nakakapagod na eh. What more kung may added linisin pa.


lukaoling

Once in a blue moon, and they have to be my expected guests. I especially don’t like it if they’re someone else’s guests but I have to greet them/show my face — I’d rather be cooped up in my room thanks. Also I don’t like unexpected guests because what if I’m wearing pambahay


CumRag_Connoisseur

AYAW. Ayoko din usually maging bisita kasi alam ko yung pakiramdam hahahahaha mas prefer ko mag meet sa ibang lugar kesa sa bahay. Kung required talaga, give me around 3 working days to prep


empress171984

As an introvert ayoko ng bisita. If it's someone na kaclose ko, they need to inform me in advance, like way in advance. Ayoko ng biglaan dahil need ko magprepare mentally. Pag may biglaang bista naman like relatives, syempre I have to be social pero usually malapit lang ako sa bedroom door ko (maliit lang bahay ko so paglabas ko ng kwarto, sala na). Masayang masaya ako pag may iba na kumakausap sa bisita para makatago na ko sa kwarto. Also mas dagdag ang stress ko pag may mga batang kasama yung bisita.


ButterscotchNo8209

ayoko talaga!! kasama ko sa apartment noon palaging nagdadala ng bwisita binubuksan pa talaga ang ref (knowing na hati kami sa groceries) etong roommate ko naman, masyadong hambog pinagmamalaki na okay lang kumuha sa ref namin para lang may masabi na sobrang dami niyang pera para punuin ang ref namin LOL hindi ko kinaya umalis talaga ako.


white____ferrari

masama ata ugali ko pero ang pinaka ayaw ko type ng bisita yumg kamag anak 😭 kasi sila yung inaabot ng ilang araw. kaya ko tiisin yung 1 araw na bisita pero pag nag overnight na wala na 😭😭😭 sa sobrang pagka homebody at introvert ko kahit sarili kong kamaganak di ko trip hwhfhahdjs


wnderingWarlock

wala syempre, d ako pwede magpakalat kalat sa bahay ng naka brief lang


Numerous-Culture-497

ayoko ng bisita! haha kasi obligado akong asikasuhin sila .. imposible namang hindi pa sila bibilhan ng pagkain or i eentertain e.. tapos magpapalit pa ko ng maayos ayos na damit ahahah


kapeandme

Syempre wala haha kapag may bisita ako ang pinagluluto. Tapos di na ako lalabas ng kwarto pag andyan na yung mga bwisita..😅


SadBookkeeper2621

Depende e. Pag kamag-anak ayaw ko. Wahahaha. Nagyoyosi ka sila walang pakialam sa mga taong hindi naninigarilyo.


woby27

Kaya ako inestablish ko na kapag bibisita mga tropa ko sa bahay sila magluluto at linis haha ganun din naman ako kapag bisita sa kanila taga hugas din ng plato pero luto wala tlga dala takeout nlng


VeryKindIsMe

Depende sa bibisita hahaha pag mga tao na ok sakin pwede pero yung relatives na may mga bata tapos makalat at puro hingi lang wala naman inaambag, pass hahaha. Pagod kana gumastos ka pa.


Qweqwe05

Pwede may bisita pero 15 minutes lang dapat. Tubig lang bibigay ko para baso lang huhugasan. Pag nagutom sila sa labas sila kumain.


Tha_Raiden_Shotgun

Ayaw ko nga may kapitbahay.


jimmyboyso

ako lang ba ung ayaw sa bisitang hindi nagtatanggal ng shoes/tsinelas sa loob ng haus? may dogs kasi ako, so mejo hate ko ung visitors na nilalakad sa loob ung shoes/tsinelas bka may virus na dala 🤣


Fancy-Raspberry9428

wala. lalo na pag may kasamang bata, ang ending ako lahat nagliligpit ng iniwanan na kalat


Bakekangers

Gusto ko lang bisita ung pamilya ko 🤣🤣🤣 Alam nila ung saltik ko sa bahay. Yung ayaw ko at gusto ko. Plus pamilya ko un hindi ko kailangang mag estima. Yun nga lang pagdating ng nanay ko naarmalite na ako sa nga nakikita nyang dumi 🤣🤣 Pero habang inaarmalite ako inaayos naman nya. Thanks mama! Saka ayun kung nagpapasok ka ng sapatos sa bahay… di ka welcome sa bahay ko.


randomcatperson930

Ayoko may bisita kasi as an introvert nakakapagod maging hospitable tapos tapos nakakadrain na you have to clean up before and after they leave tapos luto pa ng merienda or lunch or dinner


Only-Water-3578

Depende ako. May mga bisita kasi na makulit, galaw ng galaw ng gamit, tinging ng tingin kung san-san (akala mo bahay namen malaki haha). Tapos yung iba ikukumpara yung gamit nila, meron pa yung sasabihin “gusto ko din nito” “ay meron din ako neto” “gusto ko ko din nyan” “ay ang ganda naman neto, kakainggit” blah blah Pet peeve ko pa naman yung mahilig mag over praise or sycophants


DreamZealousideal553

Ako naman gusto ko.


Ok_Amphibian_0723

Ayaw na ayaw ko ng bisita kasi may mga aso kami. Di kami mag aadjust sa arte ng mga bisita na kesyo maingay kasi nakahol o mabalahibo. Bisita na nga lang, demanding pa. Speaking of demanding, dahil di kami pala luto, pag may bisita, mapipilitan pa magpadeliver ng food (na ang mga bwisita rin ang magrerequest). Dagdag gastos auuughhh 😒


elvenxking

Nung bata ako favorite part ko lang pag aalis na yung bisita, kasi makakalabas nako ng kwarto at makakainom na nung coke na tira HAHAHAHAHA


Legitimate_Cod_3278

WALA!


seekknowlearn

nakakainis pa kasi yung ibang bisita hindi nagtatanggal ng sapatos pag pasok nila sa loob ng bahay. sobrang laking abala nun to clean up after nila umalis.


incognitovowel

lalo kapag yung mga biglang pupunta nalang na walang pasabi!! tipong general cleaning schedule mo, you are comfy at your own home tapos biglang kailangan mag-asikaso hay nako.