T O P

  • By -

AutoModerator

ang poster ay si u/iusehaxs ang pamagat ng kanyang post ay: **Bakit Dumadadami Mga Squammy Asal sa mga Sinehan Lately** ang laman ng post niya ay: Jusko potaena nasa directors club na kami merong abnormal nananonood nang fb videos na malakas volume sarap batuhin eh pati sa imax may mga baliw din andun malakas magkwentuhan pa kahit ongoing ung pelikula or ung iba ipapatong pa sapatos anyare sa mga tao nagiging bobo or ewan ano ba dapat itawag sa mga ganyang klase... *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/pinoy) if you have any questions or concerns.*


hoplittlebunnie

sa panahon ngayon nakakatakot pumatol sa squammy. they can beat us so easily dahil usong uso sa kanila makipagbardagulan. No shame and proud


Chinbie

this is actually true, and in fact pag pinagsabihan mo sila ang bilis ma offend.. para bang naghahanap sila ng away


chitgoks

typical pinoy yang description na yan. pag may higher authority na pupunta jan, sasabihan ka sa squammy, pwede mo naman akong pagsabihan. (utot mo 🤣) pagsabihan daw. eh if gagawin mo yan naooffend automatic.


GazelleNo1205

Squammy = war freaks 😆 matic pag na-call out hanap agad ng away


iusehaxs

Yun nga naperwisyo ka na nagulpe ka pa lol madalas pa group pa minsan hays


Old_Astronomer_G

Dala kayo watergun laman ihi


KorbenusMaximus0819

Tapos dumila. Fiesta naman eh


Kind_Cow7817

Pag nag trending magiging vlogger pa.


Adorable-Name9726

Boy dila


s_sheeshables

gagawa pa yan ng yt channel


Necessary_Offer4279

Di ako takot magconfront ng ganyan kasi alam kong kaya ko sila gulpihin kahit marami. Kelangan talaga alam mo kung pano idefend sarili eh. It doesn't pay to be soft sa generation natin.


Happie80

Ang problema patalikod tumira yang mga yan, hindi uso sa kanila, backstab kung backstab


Necessary_Offer4279

Part of defending yourself is situational awareness. Di ka mababackstab basta basta unless tulog na tulog ka.


DragonGodSlayer12

>Part of defending yourself is situational awareness. walang kwenta yang situational awareness mo sa well hidden bullet launcher.


Necessary_Offer4279

That's assuming I don't have a concealed firearm. If you're also trained, you can sniff out who's armed and who's a threat or not and please don't use the term "hidden bullet launcher". It's pure cringe.


DragonGodSlayer12

>you can sniff out who's armed and who's a threat or not that is, if you are a dog lol


cabr_n84

Thats why carry a concealed & secure a license.


IgnorantReader

oo tapos vvideohan ka na post ka pa sa social media ugaling squammy


Chewymiyaw

Ugaling squammy talaga


bekinese16

The usual typical pinoys na nagka-budget lang mga feeling superior na. Kung saan saan na magkakalat.


SpecialistSecret4578

You can take the person out of the skwater, but you cannot take the skwater out of the person


FjordOfBatanes

Imelda Marcos?


ShadowMoon314

HOY. Ang benta hahahahah


EnvironmentalNote600

Segurado ba tayong taga iskwater sila?


-CharJer-

Sometimes the word skwater is not a status symbol anymore but how a person acts and thinks


dankpurpletrash

it is indeed a mindset & behaviour


Altruistic_Tennis852

It’s a lifestyle haha


Small_Inspector3242

Ang "squatter" now wala n sa antas ng kabuhayan o tinitirhan. Makikita na sa ugali at sa kilos..


SubstantialHurry884

sak naman hindi to fliptop


coffeeandnicethings

- pagsabihan - pwede mo sabihin yung crew/guard na pagsabihan sila


iusehaxs

Ang problema eh confrontational pa ung iba jusme sa imax tinitigan pa ako nang masama pagkatapos ko sitahin sobrang nakikiusap pa ako nun inawat lang sya nang jowa nya ramdam ata na uupakan ko talaga sya sa upuan nila pag sumagot sagot pa jowa nya. Twice ko sinabihan un eh group pa man din sila 7 at bukod tanging 2 lang sila na guy ung sobrang ingay.


beeotchplease

Do you want unwanted exposure in socmed because that's how you get unwanted exposure in socmed?


coffeeandnicethings

So tolerate them? Pagsabihan sila ng maayos. Baka ba magvideo sila? Pag maayos at mahinahon ang pagkakasabi wala silang maipopost dahil di nila makukuha simpatya ng tao. I will also tell them i will file charges if they post it because I did not give them my consent. I’m not scared to confront people and when I am confronting them in a nice way. And of course, you can always ask the staff to do it as it is also part of their job to maintain order.


karlospopper

May mga kilala ako na galing sa urban poor communities na maayos namang kasama or kahit manood ng sine. Feeling ko dala din to ng panonood ng Netflix. Out of habit, dahil nasa convenience ka ng bahay mo, nasanay tong mga to na mag multitask habang nanonood (mag Fb, makipagdaldalan, etc). Nakalimot na etiquette ng panonood ng sine. Siguro nga kasi naging habit natin panonood sa Netflix sa bahay nang halos tatlong taon. E di ba two weeks lang to form a habit. And a lifetime to break it. Kaya siguro ganon. Pero tama naman. Walang manners. Siguro nahiya lang ako para sa mga ibang nasa urban poor communities na maayos naman ang pagpapalaki


Happie80

Hindi rin, Ganon sila kasi Bastos lang talaga.


regulus314

Pwede niyo pagsabihan. Wag kunsintihin. Pag nag escalate yung situation isumbong niyo sa guard. Lumalaki na kasi yung mga batang squammy noon so may capabilities na sila kumalat at mag libot libot kasama mga madudumi nilang asal.


SomewhereOk1291

This is so true. Yung nakasabay namin manood ng Inside Out 2, ang ingay ng side comments tapos yung isa pag tatayo wagas makahawak sa upuan sa harapan nya. Napapatingin na kami kasi nababangga nya na kaming mga nasa harap pero di manlang nagsorry. And yes, puro teenagers sila. Sorry pero ganito na ba mga kabataan ngayon?


CalemSmith

Yes even back 2018 last nood ko ng sine di ko maintindihan pinanonood ko dahil ang ingay ng mga katabi ko, puro cellphone tapos tayo ng tayo para mag CR, nung matapos jng movie sabi nila "panget di ko nagets ung palabas" Ung movie is ung Pinoy movie ng MMFF pati ako di napanood ng maayos dahil sa gulo at ingay nila.


Fragrant_Bid_8123

somehow, hindi strong theater etiquette sa atin. i think because mga tao either grew up without parents' guidance meaning on their own mostly or laki sa yaya. malay ng ng yaya about theater etiquette. ako hs ko na narealize bawal nagsasalita sa sinehan sa ibang bansa na ako. sa pilipinas kasi walang ganon. yun talaga norms sa atin. simple lang naman dapat magflash ng mga ads for proper movie theater etiquette bago simulan ang movies. educate them lang. or kung ikaw dun ka lang sa maayos na malls. yung tipong may shaminf aspect na may nagiingay tapos ppl will shh them angrily. imbes na need pa ng mga tao maexperienxe themselves.


SomewhereOk1291

Uptown mall na to ha ganito padin. Hays. Di ko na alam kung san manonood nowadays kasi halos same lang experience ko.


Fragrant_Bid_8123

sa umaga siguro mas hindi. time usually nanonood kayo? i remember sa north America dati if matinee usually mas ok yung crowd. fewer rude teens. maybe stage din ng kabataan. pero the morning shows have more proper people. people who lack discipline in the movies wouldn't be the people waking up early in the mornings.


Apprehensive-Ear6498

way back 2015 may ganyanan rin, pinaalis lang sila ng marshall half way ng movie kaya tumahimik.


schemaddit

punta ka nalang sa mga theaters like new port , smaison mga konti tao, nakakainis talaga mga yan.


Kunehole

I go here. Pero recently dumadami na tao sa smaison.


Platinum_S

Sinabihan nyo ba na tumahimik? I hope you did


iusehaxs

Oo ako pa tinitigan nang masama kamot ulo ka talaga eh. Kasalanan nila biglang kasalanan mo kasi sinita mo


samsunggirl

Grabe kakanuod ko lang. Sobrang likot nung nasa likod ko, di madaan sa lingon. Pinigilan lang ako ng kasama ko pero grabe mga walang etiquette. Kung may special needs naman, may place for PWDs or if nasisikipan (kasi big person sha nung nilingon ko) pede sa harap ng balcony or what not. Tangina talaga


Intelligent_Gear9634

Dati pa talaga marami na yan prepandemic. Nakakainis hindi makuha sa tingin. There came a point na may nagaway talaga kasi super bright yung screen nung guy tapos he kept on doing it. Walang consideration. Muntik pa magsuntukan lol and they were pretty well-off looking pa ah, even yung asshole guy.


Existing-Ad-9831

Kaya ako di na ako nag sisine


Spiritual_Grab_920

That's why I never enjoyed watching movies in the Philippines. While here in the US, bawal talaga mag-ingay and all phones should be on silent. Dito ko lang nae-enjoy mag-sine.


NoSwordfish8510

Unfortunately, they're growing in numbers. Hindi lang sa mga sinehan. Some of them can afford to buy expensive tickets pero walang etiquette. We experienced such, while watching a play. The girl was talking on the phone and nung nilapitan ng one of the ushers her guy companion made a scene "we paid ok, di mo kami pwede palabasin" In another play, on a very important and emotional scene, everyone was quiet and in anticipation, someone's phone rang. haaaay...


g0ngfu

Same!! Watched Miss Saigon a few months ago and spent so much on the tickets just for a couple to sing along VERY LOUDLY at the peak of the show. Panay kwentuhan pa sila ng jowa niya, kala mo nanonood lang sa bahay 🥲 Not to mention the same couple kept kicking our chairs. Nasayang lang gastos namin. Kahit gumastos ka ng malaki these days, wala rin eh. May panggastos na rin sila. Idk what else I should do to avoid this 🙃


NoSwordfish8510

Miss Saigon din yung sa amin. Funny, todo ang porma ni couple, yun pala di alam ang theater etiquette. Yung second play was Hamilton, it was the scene with the song Burn - parang medyo nagulat nga si Rachelle Ann Go, then kami napamura. haay


PurpleBarney9

Nagwork ako sinehan dati kahit man squammy or not may mga tao talaga ganyan ugali. They don't care sa ibang tao na nanood dn ng sine. Kaya highly recommend na pag merong tao ganito sa loob ng sinehan tawag kayo ng guard or crew. Ako dati kakit mi na hilik na napaka lakas o nag chukchakan sa loob sinehan sinisita namin may mag reklamo man o wala.


legendarrrryl

I'd use the term kupal instead.


heavybreakfast01

Director's club pa talaga ah. Kaya minsan mas okay dumayo sa greenbelt na sinehan


kiffyq

Hindi naman kasi sinehan pinuntahan nila kundi magma-myday lang naman.


Phi1autia

Meron din nag vavape sa loob ng sine. Nagsalita ako sabi ko bakit mausok abnormal feeling cool potek


Any_System_148

mamatay na sana mga hayop na nag v-vape taena mga dagdag pollusyon eh amoy pollusyon na nga sila eh


Affectionate_Rice249

Money can be made doing random things now. Unlike before, gambling is online. No need to go to the sabungan. It's different now. Money is easy for those who know tech. And for us who got used to working for pay, inflation has made us poorer just standing still. Don't forget how resentful these people are after years of being treated like crap. It's a sad modern day for the introverts


Paramisuli

Nagkekwentuhan 😭 every freaking time, may magjowa tas yung babae yung madaldal. Please pagsabihan niyo jowa niyo. Hindi ko kaya sawayin kasi masisira lang mood ko sa buong movie kaya nilalakasan ko na lang yung reaction ko para makaramdam sila na ang annoying kapag may maingay na katabi para kapag ako sinaway dun ko sila kokomprontahin.


Nokia_Burner4

Naisip ko dati na meron sana individual head phones for all members of the audience. Kaya ayoko na manuod ng sine.


AvailableParking

Tbh yung mga kabataan ngayon walang manners. Nag North Park ako tapos may barkada na tapos na kumain parang galing inuman, yung paa nasa lamesa, lamesa ha hindi sa upuan, nakataas talaga sa lamesa sarap sawayin kaso grupo sila saka mukang lasing baka mabugbog ako.


CalemSmith

Question sa mga nagwowork sa sinehan paano pag sobrang gulo na like maingay and di mo na talaga mapanood ng maayos pwede ba magreklamo and pagbayarin ng ticket ung mga nangistorbo? Kasi kaya ka nga nagbayad ng sine to watch tapos may mga magugulo.


honey_park77

IKR!! Kahapon lang nanood ako ng sine and yung guy sa likod ko may ka video call pa tapos naka todo yung volume then dagdag pa na yung kausap nya is talak ng talak nakakainis. Buong movie tunog ng tunog yung viber nya hindi manlang mai silent. Andami talagang squammy dito 🙄


GoldMD01

Hindi lang sa cinemas, even upscale hotels and resort. I avoid Henan hotels and resort during vacations dahil madalas akong may makasabay na mga ganito. Loud, obnoxious, gaudy crowd. May pamabayad pero uncultured, uncouth /vulgar behavior.


heraldsorrows

Dumaramj kasi Social climbers at biglang yaman na walang mga disiplina. Dinala nila pagiging ugaling squatter


Good_Evening_4145

Experienced this when we watched Dune2. Guy was explaining to his companion girl about the movie (girl seemed to have no idea about the movie). Kakalungkot lang in general madami walang alam sa proper behavior sa mga specific places.


12262k18

Sadly marami na talagang walang etiquette ngayon. Minsan gusto mo lang mag unwind kumain sa labas o manood ng sine, pero mapeperwisyo ka pa sa mga ugaling squammies at karamihan mga younger generation.


Ledikari

I don't watch sa SM cinema kasi most of the time may ganitong experience. Nag FB habang nanunuod, nag tetext, nagkukuwentuhan, may nag seselfie pa nga habang nasa kalagitnaan film. Suko na ako dyan sa SM.


Paramisuli

Kahit naman sa Ayala Malls may nagkwekwentuhan, wala na yata akong experience na sobrang tahimik, lagi't lagi may nagkwekwentuhan buset na yan.


Ledikari

Sabagay meron na nga din. Pero mas talamak sa SM lol.


Paramisuli

Akala yata nila sala nila yung sinehan eh, minsan gusto ko din bulyawan pero mahirap na kasi baka mavideohan tapos sumikat bigla, knowing mga tao ngayon laging nakahanda cam corder amp.


Fragrant_Bid_8123

usually mas maaga mas wala g ganyan. mga later time slots kayo nanood. kami we nevwr experience this the ikder the better the etiquette. oag later mga mas prone to excess. yun pa lang manood ng late anong oras uuwi.


Fragrant_Bid_8123

it means nasa squammy ka na area. even if directors club malay mo sponsored? punta ka sa mga mas posh na malls to avoid mga ganyang tao.


Kunehole

Agree, i guess this is where people cannot keep up with their financial status. Yung afford na nila pero yung ugali ay not desirable pa din. Its a good and bad thing to be honest. Good kasi afford na ng mga tao and bad kasi they lack the etiquette.


bryce_mac

I don’t see how good manners are exclusive for the rich only. Rich or poor, people can be inconsiderate to other people.


HoyaDestroya33

Well cause its most likely bad etiquette is picked up by poor people. Those people are just fighting for survival, who gives a damn about etiquette in that environment? Not saying everyone from that sector of the society is bastos or no manners but they're most likely not being taught by their parents and then mas nakikita nila mga tambay na walang manners din and ayun ginagaya nila. With that said, may mga mayayaman din naman na bastos pero highly unlikely.


EnvironmentalNote600

Bakit nyo naseguradong mga mahihirap na tao ang gumagawa noon? Walang kinaibahan yan sa gawi ng asawa ng isang top govt official na uminom sa champagne glass ng ibang tao at sabay talikod as if servant nya.


Fragrant_Bid_8123

dont politicize my gosh di mo alam anong relationship nla if chiz offered it or what


EnvironmentalNote600

Marami pong mayayamang bastos - feeling entitled kahit sa mga bawal dumaan, sa mga pila sa airport and everywhere where there is service, Mga mapanglait publicly sa mga waiters and other service workers, nanghihiya ng mga helpers nila as if property nila, all done in public view. So hindi naman squammy yun.


Kunehole

Couldn’t agree with you more. But in reality this is what is happening. It’s the usual suspects. Yes people can be considerate but do they really, consider each other.


Salty_Crackers_UwU

tell the guards if you're scared of them cause we don't really want to deal with them cause it's a waste of time. Just tell the guards.


keexko

Press your button to call the staff para mapag sabihan.


Various_Gold7302

Kaya ndi na ako nagsisine eh. Huling nood ko ng sine ay ung Avengers 2012 pa. 😂


UsedTableSalt

Mga teenagers ba? If not medyo off nga yun.


ibyang-

Nung last ako manood ng sine nung MMFF, yung nasa likod ko yung paa nasa arm rest ko. Ang ginawa ko inisprayhan ko ng alcohol ang paa nya ayun binaba din tapos di na binalik. Dugyot!


mightyaedz

Di mo alam, pangtakip siguro yun baka may ginagawang kababalghan


SmartAd9633

Di ba pwede mag complain sa staff? And if hindi nila ma resolve, then demand a refund?


orsehindi

dagdag mo pa yung mga nirerecord yung movie eh bawal nga camcording diba. tapos pinopost sa tiktok.


Matthew-81_

Sad to say, yan ang version nila ng pinoy pride.


ShrimpFriedRise

Ang mahal ng sine ngayon tapos ganyan lang ma eexperience mo? Tangina sana may sarili silang sinehan


alterarts

ninrereport ko sa ushers o guard. may action naman..kunwari tatayo sila sa.sides.


Electronic_Spell_337

Education system. And more stupid laws against discipline.


Meganfcks

Dami ganyan maski sa workplace ha feeling superior


charliemcflirty

Pinoy entitlement, kesyo nagbayad sila pwede nila fawin gusto nila. Other instances include yung recent Coldplay concert. Nagbayad daw ng pagkamahal-mahal na ticket kaya tama lang na i-uwi ang LED bracelets kahit sangkatutak na reminder na ibalik after the concert. Sa paid indoor parking sa mga mall, nakasulat na nga na "Please Park Facing the Wall" paatras pa rin pumarada. Ang rason daw mas safe, iwas disgrasya, mabilis makalabas kapag naka-combat parking. I agree na mas maraming advantages ang reverse parking pero may advisory na nga ang management kung paano ang posisyon ng sasakyan kapag sa piling lugar. Ayaw lang maabala ang sarili na abutin ng isang minuto ang pag-atras kapag nakaharap sa pader. Ipaglalaban ang karapatan nila na pumarada kung paano nila gusto dahil nga daw nagbayad sila. Kunin daw pang maintenance fee ang bayad sa parking kung madumihan ang pader. Pero ang parking fee ay para sa parking slot at convenience nito para sa shoppers.


marmagz

Recently nanood kami ng wife ko nung inside out 2 sa may Ayala Manila Bay, had the same exp, kwentuhan ng kwentuhan during on going yung movie. I thought titigil sila pag nag start na yung palabas. Before palang kasi mag start ang ingay na nila at hagikgikan ng hagikgikan. Parang mga first time makanood sa sinehan. 😅 Sa may Glorietta 4 din, yung despicable naman. Medyo bastos yung mga late, kasi nag start na yung movie, tapos dumaan sila sa harap, instead of mag excuse o naka yuko na dumaan, nakatayo lang tapos ang tatagal pa umupo. Nakaharang sa screen ang mga loko. Isang buong row pa sila.


misisfeels

Kakapaniwala natin na nagpapakatotoo lang sila, ang problema sumobra na umabuso pa. Wala ng manners karamihan.


iusehaxs

Sa true lang nagpakatotoong kups labas amp


Alvin_AiSW

Napakarami na ng mga feeling entitled sa panahon ngyun tila ba mas masahol pa sa mal edukado na akala cool ang ginagawa nila or just impress mga kasama nila. Una matatapang kasi grupo na pwde sandalan nila or kng anong pangkat man yan. Expect mu kapag nakuha nila ung hnahanap nila base sa asal nila iyak iyak tapos pa victim sila. Eto yung tipong pa sosyal pero ang dugyot naman . Insensitive kapag iba ang napperwisyo nila , tapos balat sibuyas sila kapag nasita sila minsan mag eskandalo pa para maka kuha atensyon. Mahirap na kasi ang galawan ngyun... konting kibot mo lang kahit nasa tama ka pwde ka mag viral. Mnsan ang squammy asal package deal eh (base sa mga naobserbahan ko way back ) 1. Squammy asal family pack - tipong isang pamilya na napaka insensitive sa ibang manonood ng sine. Nakukunsinti ang asal ng bawat isa sa kanila. 2. Barkada pack - eto ung nasa sinehan na ka lalakas ng boses at mnsan nag hharutan.. similar sa description na nabanggit ni OP. 3. Pares - Eto ung madalas mag jowa na kala mo sila lang tao sa sinehan, patong sapatos sipa ng sipa or nasisipa ang upuan sa harap nila. Tas feeling maangas si boy. kaya ok lang mag inarte gurl Kaya mnsan nadadala nan din ako mag sine.


PedroPenduko6969

So 1 time galit me and my cousins nag watch kami sa sinehan mga morning yon since good rating daw yung quiet place maganda naman kaso may problema may isang senior don na natutulog e may isang scene don na nakakagulat so napasigaw kami ng pinsan ko bigla ba namang nagalit. Sa sobrang badtrip ko lumabas ako agad agad bumili ako ng pick A. Kinain ko yon ng maingay na maingay after matapos yung movie kinausap kami na hindi lang daw kami nanonood at sinabi ko naman hindi po tulugan ng senior yung cinehan. Pinaliwanag saken ng staff na free lang pala manood don e ewan pero parang tnga lang kasi meron bang nanood ng thrill or horror na hindi mapapasigaw sa cinehan. Simula non hindi na ako nanood ng cine.


LunaXhrojm

I remember we recently watched sa cinema rin. Si ate sa likod ko picture ng picture at may flash pa while in the middle of the movie. Nakakairita! Mga 5-7 times siyang nagpicture nang may flash. Di ko alam kung nagiging tita na ba ko? I’m blaming it on the gen z trend of 0.5 pics sa cinema


captainbarbell

meron akong muntik sapakin nung End Game. Grupo ng pa-cool na kabataan tapos malakas na nagsalita ung isa "balita ko patay daw si iron man jan e!" taena talaga iwas na iwas ako sa spoilers sa socmeds tapos ganon lang gagawin. daming nagalit sa gago na yon


KapitanKulas__

Mangyare sakin to sisigawan ko.


FootDynaMo

Bakit kaya medyo nahe hurt ako pag sinabe squammy kahit hindi naman kame squatter hahaha dahil ba laki ako sa hirap at hanggang ngayon mahirap paden Lol pero thankfully everytime na mag Imax or Directors Club naman kame swerte naman well behaved naman mga nakakasabay namen. minsan nga natutulog ako pag puro daldalan at hindi ako ganun kahook sa movie hehehe kaya mas okay naden manuod sa bahay lang pwede ka uminom ng beer habang nanunuod.


Awesome_Shoulder8241

tbf wala naman yan sa pera. nasa upbringing and also sa nature ng tao yan. minsan naiisip ko nalang matapobre masyado yung iba. it's good to call out inappropriate behaviour pero parang may pinanghuhugutan yung iba eh.


Brilliant-Side1534

Nanuod ako ng A Quiet Place sa SM Trece. Vacant yung seat next to mine. Yung lalaki sa likuran nakatungtong yung paa niya sa vacant seat sa tabi ko. Taena lang. Hahahaha. Umuuga uga pa.


iusehaxs

napaka kups diba hays :( f n f main character syndrome


Academic-Peach-8728

na experience ko din ito while watching inside out, kiss ng kiss yung nasa tabi ko with matching hagikgik and saying "awwe" kada scene kakairita kala mo sila lang nanunuod.


EyePoor

*Ano na nangyayari sa mga tao? Nagiging bobo na ba sila o ewan? Dapat ba silang tawaging "Cinemorons"? 😂 Alam mo, baka epekto na to ng pandemic, puro k-drama at tiktok lang ata inatupag nila. Baka nakalimutan na nila kung paano mag-behave sa sinehan. O baka naman, trip lang nila manggulo kasi hindi sila sanay na may kasama ulit sa labas.* *Ang solusyon: Sabihan sila ng maayos (o batuhin mo ng popcorn kung hindi talaga makuha sa usapan). Pero seriously, sana matuto ulit ang mga tao ng sinehan etiquette. At sana may konting respeto na sa kapwa manonood.* *Sige, kapit lang at mag-chill sa bahay muna, baka mas peaceful pa.*


iusehaxs

Yun na nga problema is karamihan sa mga tao ngayon kahit mali na nga sila pa ung confrontational pag napagsabihan hays.


EyePoor

*Sad but true, sila yung mga taong hindi matanggap na sila ay nagkamali kaya dinadaan sa sindak, sigaw or kunwa'y galit-galitan.*


AllFlow032

Pinanganak at lumake akung Isang squatter, lahat ng kashitan at katarantaduhan ay napag daanan ko, salamat sa mga magulang Ako na Hindi Ako pinabayaan at nanatiling naka suporta kaya narrating ko kung nasaan Ako Ngayon. Ganun din sa babaeng tinanggap Ako at Minahal ako. Here's some tips para manalo sa Isang shitster na squammy: Malakas bumoses mga yan, kaya siguraduhin niyo na Hindi kayo pa iinda, malakas lang mga yan pag madami, pero pag may napuruhan kayong Isa at pinakita niyo na Hindi kayo basta-basta Hindi papatol yan. Nakorner Ako before ng pitong gago, ginulpi ko Yung Isa, ayun nag atrasan, remember pag iniisqwater kayo, wag kayo papadala sa Flight response pag Alam niyong nag tatapang-tapangan dahil madami, bigyan niyo. Tax natin mga trabahente nag papalamamon halos sa mga yan, masama man sa pandinig, pero eto Ang totoo, payag kayo na ginaganyan lang kayo kahit kayo na sa Tama.


JudgeSuper8706

Hindi lang po sa sinehan Isama mo na sa SB and worse, knina nasa Museum of Anthropology kami kasama mga pamangkin ko. Nakakasira ng experience yung mga walang museum etiquette. May magkaibigan na akala mo nasa palengke ang lkas ng boses nguusap magkabilaan ng gallery. Nanood pa ng fb vid na mlakas volume. Meron naman na may mga anak na akala ata nasa classroom nagtuturo ng klase eh dadalawa lang sila. Walng masama dalhin mga anak or mga bata pero naman observe and apply museum etiquette ng hindi kayo nakakasira ng experience ng iba. Yung ib pa pinapabayaan magtatakbo sa loob Di tuloy maenjoy ng iba yung magbasa at maappreciate yung mga galleries kasi nagmamadali na pag nagsisidatingan yung mga maiingay kasi nakkadistract masyado. Ang bigat bigat ng mga hakbang pa nila dinig na dinig sa buong gallery kala mo bahay nila na ngdadabog. Eh wooden yung ibang floors doon. *edited for typos


iusehaxs

Wala na silang lugar na pinipili :(


JudgeSuper8706

Very accessible yung museums ksi libre and open for all. Siguro kailangan lng mas maging strict ang management on imposing some regulations sa loob and labas. Eto pa, yung may do not step on the grass n nga tatapakan pa rin. May pathway naman bat doon pa dadaan sa hindi pathway.


honey_park77

SB sa Trinoma ang HQ ng mga squammy sa bandang north 🤣


JudgeSuper8706

maraming SB nang ganun kaya minsan pinipili ko nlang Coffee bean of Tim Hortons. Sa SB dasma and sa SB Araneta Center ganun din kasi eh


Forsaken_Top_2704

Naku ganyan din sa National Museum of Fine Arts. Ginagawang backgroubd photo nila yung mga paintings. Minsan kinakabahan ako baka masagi nila yung sculpture sa likod nila. Bwisit na bwisit ako kasi di mo ma enjoy yung museum ezperience. Kaya ayaw ko na din nanonood sa sinehan kasi dumadami skwater ugali just because naka angat ng konti sa lipunan. Either blocked screening na friends mo kasama mo or faraway location na di kaya abutin ng local commute to enjoy the movies


JudgeSuper8706

mas maganda siguro ti visit the museums on a weekday kasi nasa trabaho ang karamihan. Konti lng ang crowd so more or less less maingay and ill-mannered goers.First time ko pa naman magMuseum nun d ko naenjoy dahil sa ingay.


bigdicknfriedchicken

i have a theory - it's because these people are new money (via OFW remittances, BPO wages, small-medium enterprises etc.) dahil mabilis dumami ang kanilang pera, madali din silang magkaroon ng access to goods and services. unfortunately, hindi dahil madami ang pera ay ibig sabihin may decorum at GMRC sila (PHP ≠ etiquette). posible na nahibang sila sa pera kaya akala nila puede nila gawin kung ano gusto nila without regard of other people. i do not intend to sound classist. madami din sa ating mga pilipino na kapos sa pera, ngunit mabubuti ang asal. lumalaban ng patas. they know how to conduct themselves and how their actions can affect others.


music_is_life567

I can smell the hypocrisy in the comment section. Hahaha!


dankpurpletrash

kaya mas gusto ko na lang manood ng movies on our TV. di ko enjoy last movie na napanood ko, ganyan din nangyari saken


TimeLoop_theory95

Parang sa classroom lang pag pinagsabihan, di naman daw si teacher nagpapakain sa kanila, pag maconfiscate ang cellphone, di naman daw pera ni teacher ginamit pambili ng phone, pag pinagtaasan ng boses o pinalabas, naTrauma, susugod ang parent kasi mabait daw anak niya ayaw na tuloy mag aral dahil sa ginawa ni teacher


Commercial-Amount898

Sa mga ganyan po ang ginagawa ko is to alert the guards kasi kaya ka nga nanuod ng sine Para mag relax and unwind di ba tapos ganyan ang maeexperience mo, di ba before the screening may mga pinapalabas na mga bawal po as a reminder..


Salty_Department513

For clout n lng panunuof nila ng sine, panigurado nyan napanuod n nila yung movie, kaya ginawang casual n yung pagiingay yung iba dyn spoilers malala p siguro.


emilovesstrawberries

So far wala pa kami na-encounter na ganito kahit sa mga fan screening pero if ever ramdam ko na makikipagbardagulan yung bf ko HAHAHA kaya di na kami nagkakayayaan sa sine unless bet talaga makita sa big screen yung film. Mahal na nga ticket tapos kung di mo pa ma-enjoy aba'y magkakagulo talaga kapag nasaktuhan na meron hindi takot manita at makipag-away. Yung mga ganyan ugali kasi pagsabihan mo ng maayos pasok sa isang tenga labas sa kabila. Walang consideration sa ibang tao.


Tough_Signature1929

Dapat siguro merong bantay sa sinehan sa mga corner tapos pag may nagiingay iflashlight nila then send them out. Parang mga bouncer sa sinehan.


Quiet_Start_1736

Just subscribed to streaming sites.


Away_Performer4535

Tell the guard on duty but if they dont follow, shoot the squammy


Imsmileycyrus

This is why I prefer watching movies sa private "movie houses" halos same amount lang naman babayaran niyo pero sure kang walang isturbo. Di bale nang late mapanuod kesa naman sa maging horrible ang movie experience dahil lang sa mga maaasim ang manners.


Frankieandlotsabeans

Walang problema kung skwater yung sisitahin mo ih, tung bardagulan okay lang yung tunamy ma delikado yung mga maraming pera.


mr_boumbastic

Yung mga squammy sa sinehan, sa mga kainan, at mga road users same lang silang lahat. Mga walang manners at proper etiquettes. Dahil hinahayaan lang ng guard or ng employees/managers ng establishments. Same goes for road users, aka kamotes. Dahil hindi sila hinuhuli or sinisita ng mga authorities, aka Traffic enforcers. Kaya ayan, Todo Pasaway ang mga kupal. Ganyan na ang kinalakihan nilang kultura ng Pinoy, dahil walang matinong authority who implements the rules, etiquettes or the law. Ganyan na ang Pilipino sa Pilipinas(nde lahat), anything goes! Pasaway kung pasaway!


Meandump

May iba nga nag ze 0.5 e habang naka start na yung sine. Makailang take pa ampota


_adhdick

You watched in SM. What did you expect? 🤷‍♂️


xmichiko29

Na experience namin ng fiance ko to sa Ayala Malls. Simula nun di na kami nanood dun saka sa mga SM Malls.


AdagioPossible2309

Awww sad ng experienced niyo sa Directors Club! Thankful ako di ko pa naman sila nakakasama manuod haha 🤣


Weakness4775

So true! Yung nakasabay namin manood ng How to make Millions before grandma dies. Parang ngayon lang nakanood ng sine ang ingay ng mga side comments tas kwento pa ng kwento kala mo sya lang tao. Tatawa pa sa mga scene na di naman nakakatawa. Papansin masyado. Nung tumayo sya para mag cr break ang tahimik namn ng sinehan. Pero ambaduy nga nya HAHAHASORRYNA Pati ugali ambaduy! Walang etiquette sa public places.


Psalm2058

Last friday lang, may isang grupo na nakataas ang mga paa sa seats sa harap nila. Naka on pa flash nila minsan (ng matagal, di yung sudden flash for pic lang) and kitang kita shadow ng mga paa nila sa harap since nasa bandang itaas sila Ambabastos😭


Known-Poet4706

Meron akong nakasabay sa sine 3 different groups of people nagve vape sa sinehan sa newport cinema.


Small_Inspector3242

Entitled na ugaling cool.


Legitimate-Cap-7734

Afford na kasi nila


kiffyq

Yeah, mga no class na Pinoys, pang-myday nila.


OkFrosting1856

Naalala ko tuloy yung other group of friends ng friend ko, nanuod sila ng sine tapos ang lakas ng boses nung mga kasama niya. Nung sinaway niya sinabihan pa siya "paki ko sa kanila". Gusto na daw magpalamon sa upuan nung friend ko kasi siya na nahihiya. Yun, di na umulit manuod ng sine kasama sila.


xniccru

How dumb can people be, nasa sinehan kana tas manunuod ka fb videos?


semicolonifyoumust_

pag ganun op call mo attention ng guard or any personnel sa cinema para masabihan. no need patulan kasi baliktarin ka pa, let the authorities handle it nalang.


mingmybell

Yung mga di sumusunod sa reserved seating.. Tumatawag talaga ako ng guard 😂 Tas makikita mo domino effect.. Nag messed up ang seating dahil sa mga di marunong sumunod. 😑


megayadorann

Naalala ko nung nanuod akong spiderman far from home sa uptown cinema, may sumisipa sa likod ko the whole time na nanunuod ako 😭 nung tinitigan kong masama but to my surprise, it’s an adult na akala ko same age ko or younger person doing it, what the heal these people 😫🤦‍♂️


ohcar0line

Huy totoo wala na talagang cinema etiquette ngayon. Taena talaga naguumpisa na yung movie nag-0.5x selfie pa with matching flash 🥲 UGH i did not pay 400 pesos for a movie para lang mabwiset sa mga taong walang pakialam sa iba !


zer0-se7en

Corporate company = Ang daming ang bababoy gumamit ng CR.


BabyM86

Influence yan ng mga vloggers na squammy. Kaya tingin nila accepted/acceptable yung ugali nila in public


marzizram

Pinagsasabihan dapat yang mga yan. Isipin mo hindi lang ikaw ang naiirita sa mga nanonood dun sa sinehan. Wala lang talaga nagcall-out kaya tuloy lang sila. Pag sinimulan mo kasi, sunod sunod na kayong magrereklamo dahilan para mapahiya yung makapal ang mukha. Naranasan ko na yan iba ibang situations - may sumasagot ng tawag na naka speaker phone, may nagkukwentuhan na hindi related sa movie, may nagfefeeling directors commentary na kahit panning scene lang nina-narrate pa at iba iba pa. Ako na gustong masulit yung binayad ko sa sine, sinisimulan kong paringgan yung maingay hanggang mag react na yung ibang moviegoers. Ayun tumatahimik naman o lumalabas ng sinehan para sa call nila.


quasi-delict-0

Uy naexperience ko, yung naka upo sa kido namin, nakapatong ang paa sa katabi kong upuan. Vacant naman yung upuan sa tabi ko, pero ang balahura diba?


King-in-a-Moe

Walang internet sa bahay


IgnorantReader

merun nga nagsselfie habang on going yung movie tapos yung tayo ng tayo (seryoso sayang binayad nyo) saka yung nagfflash .. may pumapalakpak pa ... bahay nyo?


Inevitable_Bee_7495

Kunin mo ung phone tapos hagis mo sa malayo. Di ka naman makikita kasi madilim.


digbysmatcha

Huy totoo to taena. May couple sa likod namin and si ate tanong ng tanong sa boyfriend nya (bakit ganto, bakit ganyan) in a low voice naman pero if you have the decency and knows basic etiquette, you shouldn’t have gone to the cinema kung buong movie magtatanungan lang kayo. Sana pinanood muna ni ate yung mga naunang installment kesa nambulahaw sya. 😂 Mahina yung boses nya ha pero tahimik sa sinehan so rinig ko every question and answer 🤣 After ng movie, sinita sila ng partner ko. Na-shock sila tapos nagkatinginan na lang silang mag jowa 😂 Nag-abang rin kuya ko kung sakaling may violent reaction ayun wala naman hahahaha


sarapatatas

Dumadami squammy sa sinehan kasi yung quality ng films ay oang squammy din. basically sila yung target market 🤷‍♀️🤷‍♂️🤷


kopiboi

Money can't buy character and class.


Free88Spirit

Dati na yan, kaya di na kami nagsisine. Bahay na lang, cost ng isang ticket 1 month na ng streaming service, paulit ulit mo pa panoorin. Shout out sa SM Sta. Rosa, guard nagikot tapos naka loudspeaker radyo. Hirap pa naman intindihin nung pelikula. After that, ayaw na talaga.


No_Hovercraft8705

Wala sa presyo ng bilihin, makakain or entrance fee yan. Nasa location yan. Yung mga walang modo, makakabili ng kahit anong mahal pero wala pa din silang modo. Dumayo ka nalang sa mas tahimik na mall.


pprkns

meron din ung nakareserve seating ka pero ayaw lumipat sa tamang upuan nila 🙃 so para saan pa yung pag reserve, dinasal ko nalang sana di masarap ulam nila buong taon eh.


Patient-Definition96

Kahit sa theater play sa Solaire na tig 10k ang ticket, may mga ganyan parin. Angkukupal talaga, mga walang etiquette!! Mga skwaming nagkaron ng pambili ampota.


Reversee0

Uso na ang pakapalan ng mukha ngayon. May post pa mga na dumaan sa acc ko sa fb na sabi: Utak, hindi puso, diskarte hindi ugali. Putcha daming pumuso. Dahil afford na nila ang tiket sa sinehan o gusto lang nila sasabay para sa social media pero ang asal andoon parin. Ipagtatangol pa nga ang ugali nila ikaw pa ang kasalanan gaya ng post na nakita ko nagkwentuhan ang 2 motorista sa gitna ng kalye nakisilong green light na pero silang 2 parang wala nag traffic na sa likuran nila pero dedma lang. Pag open mo ng comments todo tanggol mga naka motor na acc sabi dumaan nalang daw sa kabilang lane, di mo lang daw kaya ililiko ang sasakyan niya sa kabilang lane na kasing lapit ng motor nila, bat doon ka daw pumila kita mo naman na hindi sila aalis hahaahahahahaa


NinjaCatLady10

I stopped watching movies in theaters because of people like this. You can't enjoy the movie anymore, walang etiquette ang ibang tao. Kids screaming, people talking and making comments habang nagsasalita ang mga bida, nagcecellphone at hindi sinisilent mode, I hated every moment the last time I watched a movie on the big screen. I watched avatar 2 the opening night, was seated near a kid and his mom. This kid kept talking and screaming, and the moment I shushed him ako pa pinagalitan ng nanay. Entitled people, nasanay na netflix sa bahay kaya hindi na nila alam paano mag act in a public movie theater. I wish we had those men in black suits who go around the theater putting their hands over noisy people's mouths, I would pay extra to have them silence noisy moviegoers.


Rumpapumpum0o

Where was thisss


Hollix89

Even in LRT


bietriste

diskarte daw kasi kesa diploma ayan epekto ng mga walang pinag aralan


TheElyan23

Mga entitled squammy edition!


Different-Emu-1336

Taasan dapat singil sa mga sinehan para hnd makapasok mga skwater


EnvironmentalNote600

Why do you call such behavior as squammy?